![]() |
From left: Jeric Raval, Claudine Barretto, Mayor Marcos Manay and director Neal Tan |
Biglang naging impromptu story conference ang sana ay simpleng get-together lang na ipinatawag ni Nunungan Vice Mayor Marcos Mamay na dinaluhan nila Claudine Barretto, Jeric Raval, Direk Neal Tan, atbp.
Madaming kaibigan sa showbiz ang alkalde dahil maliban sa Executive Adviser siya ng Actors Guild of the Philippines and the Showbiz Industry Alliance ay nag-pro-produce din siya ng pelikula.
Isa na dito ang biopic na 'Mamay: A Journey to Greatness' na balita namin ay isasali sa Sinag Maynila this year.
"Part ito ng advocacy ko na makapagbigay ng trabaho," sey ni Mamay. "Sa pag-produce ng mga pelikula, nabibigyan ko ng trabaho ang mga taga-showbiz, lalo na yung mga loyal sa akin."
So, yun na nga, nagkakainan, nagkakantahan at nagkwekwentuhan lang kaming lahat nang maya-maya ay meron na palang umpukan kung saan naipanganak ang pag gawa ng mga susunod na pelikula ni mayor.
Dito na nga namin napagalaman na gusto ni Claudine na muling gumanap bilang isang Muslim woman. Ipinaalala niya sa amin na ganun ang role niya ng manalo siya ng isa sa pinakaunang awards sa karera niya kahit na nga bata pa siya noon.
Inspired si Claudine na gawin yon dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Nunungan sa Lanao del Norte nitong huling eleksyon. Ikinakampanya niya si Marcos at ang anak nito na si Alliah na nahalal na kapalit niya bilang mayor.
"Masaya ako na merong magtutuloy ng nasimulan ko, may taong mapagkakatiwalaan na mag-sustain," ani Mamay.
Hindi biro ang nagawa at patuloy na ginagawa ni Mamay para sa Nunungan. Ngayon ay first-class municipality na ito with a lot of infrastructure.
Lumalakas na din amg turismo dun. In fact, ang tawag ng ilan sa Nunungan ay "little Baguio of Lanao del Norte."
Nakita daw ni Claudine ang laki ng ginanda ng Nunungan kaya gusto niyang mag-shoot don.
Kung siya lang daw ang masusunod ay drama with a touch of action ang movie na gusto niyang gawin dahil dekada na ang binilang mula nang gumawa siya ng action movie, ang 'Oops, teka lang...Diskarte ko to' with Robin Padilla.
Nabanggit ni Claudine na humihingi siya ng kopya ng Koran kay mayor. Lately daw kasi ay nagkakaron siya ng interes na magbasa tungkol sa iba't-ibang paniniwala kasama na ang Islam at Buddhism.
Nako, talagang kaabang-abang ang movie na yan kapag natuloy, ha. Isa pa din kasi si Claudine sa pinakapremyadong aktres sa Pinas at tinuturing siyang one of the remaining queens sa showbiz.
At first time nila magkakasama sa isang movie ni Jeric na kahit ilang dekada na ang binilang sa showbiz ay parang bampira na hindi tumatanda ang tindig at itsura.
Kasama kaya sa cast si mayor? Pwede din dahil artistahin siya, ha. Yun na!
Comments
Post a Comment