McCoy de Leon naligo sa sariling ihi, dinahakan ng plema ni Mon Confiado


MCcoy de Leon plays Fr. Rhoel Gallardo in 'In Thy Name'

Ilang beses muntik maiyak si McCoy de Leon sa hirap ng mga pinagawa sa kanya sa "In Thy Name" na base sa buhay ni Claretian missionary Fr. Rhoel Gallardo na kinidnap ng Abu Sayaff group taong 2000.

May mga war scenes kasi ang pelikula na sa gubat at dagat kinunan. At isa dito ay kinailangang dahakan ng plema ni Mon Confiado si McCoy sa mukha!

"Pagkadura sa kin, naisip ko, 'Grabe ang trabaho ko,' umabot na sa ganito," sey ni McCoy sa press conference mg movie.

At hindi lang one take yon, ha, kundi dalawa!

Ayon naman kay Mon, nung una ay dapat laway lang ang idudura niya. Nagkataon lang daw na inuubo-ubo na din naman siya that time kaya minabuti na nilang plema ang gamitin.

"Ok na din kasi ang laway, manipis. Hindi tulad ng plema na makapal kaya maganda tingnan sa camera," sabi ni Mon. "Kailangan kasi yung eksena sa pelikula bilang pangyuyurak ng character ko kay Fr. Rhoel."

Mon Confiado

Eto pa: Meron ding eksena si McCoy na iiihan siya ng mga rebelde. At para sa sining ay si McCoy pa mismo ang nakiusap na tunay na ihi ang ibuhos sa kanta---bale, sariling ihi niya! Kaloka, parang ang panghi non, ha, charot!

But serious)y, nakakabilib ang professionalism ni McCoy dahil kung tutuusin ay hindi naman siya ang first choice for the role, kundi pang-third. "Pero binigay ko pa din ang 150 percent ko," ani McCoy. 

Todo puri tuloy si direk Caesar Soriano kay McCoy at sinabing "he is one of the greatest actors now."

Ang ‘In Thy Name’ ay ni-produce ng GreatCzar Media Productions (GMP) at Viva Films, in cooperation with Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Itinaon ang pagpapalabas nito sa mga sinehan on March 5 para sa celebration ng International Year of Prayer as declared by Pope Francis. Eto din ay itinuturing na pre-Holy Week movie.

Layunin sa pelikula na maipakilala sa publiko si Father Gallardo na ikinakandidato na ma-beatify as martyr sa Vatican.

Maliban kay McCoy at Mon ay kasama sa "In Thy Name" sina JC de Vera, Jerome Ponce, Martin Escudero, Yves Flores, Soliman Cruz, Aya Fernandez, Alex Medina, Elora Españo, Ynez Veneracion, JM Soriano, John Estrada, Pen Medina, Richard Quan, Ana Abad Santos, Aaron Villaflor at Gold Aceron.








 














.


Comments