Luis Manzano sa pagtakbo as Batangas vice governor

Luis Manzano and Jessy Mendiola

Hindi bibitawan ni Luis Manzano ang pagaartista sakaling manalo siya as vice governor ng Batangas.

"Need ko pa din ang work," sey niya sa umpukan matapos ang press conference para sa idinaos na BarakoFest 2025 sa Lipa City. "Pangit naman kung yayaman ako sa pulitika."

Ang pagtakbo niya ay hindi daw motivated ng ambisyon---na kesyo baka stepping stone lang ito para sa mas mataas na posisyon later----kundi simpleng serbisyong publiko.

"Dito muna tayo (sa pagka-bise)," wika ni Luis. "Kaya marami ang hindi nag-suceed dahil dyan. Kumbaga, di pa nakaupo sa isang pwesto, andun na agad ang isip sa sunod. Pano mo mabibigay ang hundred percent mo kapag ganyan?"

Sa totoo lang, nawalan si Luis ng mga endorsement deals matapos niyang i-announce ang kanyang kandidatura.

"Malungkot, kasi yung iba sa kanila mga five years ko ng kasama," sabi niya. "But I fully understand kasi may mga rules ang kumpanya nila na dapat sundin; na baka hindi pwedeng ang endorser nila ay public servant."

Sa tingin ni Luis ay nakatulong ang pagiging gameshow host niya sa bagong landas na kanyang tinatahak. Aniya, nakilala niya ang totoong estado ng masang Pilipino dahil sa araw-araw na pakikipagkwentuhan niya sa iba't-ibang contestants.

"Madalas nga nagkakaiyakan pa (kami ng mga contestants)," dagdag niya.

Hindi daw naging madali para sa kanya at asawang Jessy Mendiola ang pag-decide na pumasok sa public service. Andyan yung muntik silang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa tindi ng diskusyon at nagkaiyakan pa nga at one point. 

Pero sa bandang huli "everything fell into place" para ituloy ni Luis ang pagpasok sa pulitika. Ipinagdasal daw nila ni Jessy na bigyan sila ng sign mula sa Itaas at nakuha naman nila ito sa isang panaginip kaya eto na, buong-buo na ang loob ni Luis sa pagsunod sa yapak ng kanyang mga magulang.

Matatandaan na minsan nang naging vice mayor ng Makati ang ama ni Luis na si Edu Manzano. And, of course, reelectionist naman this year ang kanyang ina na si Vilma Santos sa pagka gobernador ng Batangas.






Comments