Jimmy Bondoc |
Jimmy Bondoc's recent press conference with the entertainment media in line with his bid for a seat in the Senate lasted three hours.
But six questions and the "Let Me Be The One" singer-songwriter's answer to each could be deemed most relevant both to his quest, as well as to a public seeking to find "the one" in whom they could put their trust:
Why should we vote for you?
"Ang loyalty ko ay sa Pilipino, sa Pilipinas.
"Sa lahat po na ngayon lang ako nakikilala, malalaman po nila by looking into my track record na wala po ako na kahit anong bahid ng korupsyon.
"Wala din po akong utang na loob in terms of money sa kahit anong partida.
"So kung gusto niyo po makahanap ng patas, na gagawa ng batas na ikakabuti niyo lang---at hindi gagawa ng ingay o away--- siguro po ako na ang pinakamalapit o best bet niyo dyan."
Should you win, what's the first issue you'd address?
"Ang gusto kong i-address immediately---ang pinaka doable---is yung anti-hospital detention.
"Alam mo, the path of least resistance is sometimes underrated. Okay din ang path of least resistance, wag na tayong makisali sa masyadong makontrobersya. Eto po, immediately gaganda ang buhay ng Pilipino dyan.
"Isipin mo yon na matitigil mo ang pagkakakulong ng taong may utang lang. Eh alam naman natin no one should be imprisoned for a debt."
Are rich candidates above stealing from the people since they already have money?
"It's just a question of totoo ba yon o hindi. Totoo naman na merong mayaman na dahil mayaman na ay hindi na magpapayaman. Pero yung iba naman mayaman na, pero ang kanilang lust for money is there---kaya nga sila yumaman eh.
"Kailangan hindi isang bulto natin sila tingnan kundi isa-isahin natin sila. May mga mayayaman na tingin ko gusto na lang talaga mag give back. Ang titingnan po natin dyan ay kung sino na lang ang may takot sa Dyos. May mga iba kasi na hanggang kamatayan, gustong magnakaw."
Is your age a disadvantage to your aim?
"I'm proud to say I look younger than my age. I'm actually 49 years old pero sabi ng iba, 48 daw na birthday bukas. Alam mo naman yung joke na yon, di ba?
"No, disadvantaged ako not only because I look young but I also act young because I believe in being joyful. So kung minsan dIsadvantage yung looking young, but I'm not as young as people think.
"But more important than age, importante yung wealth of experience. Alam niyo po ang experience ay hindi porket tumagal ka ng 20 years sa gobyerno ay experienced ka na. Experience nga yon, but only in one aspect of life.
"Ang gusto ko pong ihain sa inyo na ang karanasan ko ay sa maraming aspekto ng buhay. Naging entrepreneur po ako, naging musician po, naging restaurant owner ako, naging abugado ako, naging public servant ako. Therefore ang utak ko ngayon ay pumuputok sa dami ng karunungan ko from all of those. It's a unique combination na wala sa iba.
"These have also inculcated empathy in me. Mas may empathy ako sa iba't-ibang uri ng tao. Di naman ako umabot sa dukha, pero umabot ako sa point na nagkandautang-utang na rin ako. Kaya ngayon hindi ako mabilis humusga sa taong hirap, yung umuutang. Di ba yung iba 'Ano ba yan, umuutang na naman!'
"So, yun po, ang wealth ko is not in the age but it's my experience in different aspects of life."
Since you come from show business, what plans do you have for the industry?
"Ang komisyon na balak kong gawin ay para sa atin (pero) musicians, hiwalay sa artista, hiwalay sa press.
"Bakit? Dahil hindi tayo pwedeng ipagkumpol sa iisang uri ng tao. Iba ang concerns niyo sa amin. So kailangan may sarili kayong komisyon that takes care of your benefits, of your insurance, minimum wage and employment rights. Kasi yung iba sa inyo employee, madami po sa inyo ay contractual so linawin natin yon.
"Yung commission will give you free legal aid para kung meron kayong problema ay hindi kayo nagiisa."
How will you breach the gap between your showbiz and public service background?
"Wala pong gap. Kasi ang senate ay mga representante. And they are supposed to represent unique sectors in society. Gugustuhin mo ba na lahat na lang ng senador would just represent the business sector? Na lahat sila (na mga senador) ay negosyante? Pangit yon.
"In fact, the more unique ang composition ng senate, the better. Mas magandang may galing sa sports, sa business, sa music, etc.
"So, kung dun ako mailagay sa hilera na yon, I would be proud to represent that sector."
(Jimmy Bondoc is running under Partido Demokratiko Pilipino (PDP)-Laban)
Comments
Post a Comment