Gillian Vicencio, handang-handa na sa 2024!


Gillian Vicencio

Nagsimulang matupad ang mga pangarap ni Gillian Vicencio sa showbiz nang siya ay mapabilang sa "Eerie" na pinagbibidahan ni Bea Alonzo at Charo Santos-Concio.

Gumanap si Gillian bilang si Erika Sayco, ang batang nagmumulto sa eskwelahan kung saan umikot ang kwento ng pelikula.

“Nung time na ginagawa po ang 'Eerie' ay talagang hindi ako isinasama sa mga promotions at guestings para daw hindi mawala yung element of takot sa pelikula," sabi ni Gillian. "Yun din ang dahilan kung bakit baguhang artista ang kinuha para sa role."

Mula dito ay nagsunod-sunod na unti-unti ang pag pasok ng mga projects para kay Gillian, hanggang hindi na mapigilan ang pag-angat ng kanyang karera. Agad nasundan ang "Eerie" ng isa pang horror movie, ang "Hellcome Home," starring Dennis Trillo, Alyssa Muhlach, Raymond Bagatsing at Beauty Gonzalez.

Gillian: 'When you feel like stopping, think about why you started.' 

Kung matatandaan, kabilang si Gillian sa StarMagic batch 2019 na inilunsad kasabay sina Belle Mariano, Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, JC Alcantara at Kyle Echarri. Kalaunan ay pinasok din si Gillian bilang isa sa orihinal signed talents ng Rise Artists Studio sa pangangalaga ni Mico Del Rosario ng Star Creatives.


Yun nga lang, pagsapit ng 2020 ay nagbago ang ihip ng hangin dahil sa pandemic at hindi pagbibigay ng gobyerno ng prankisa sa ABS-CBN.


"Siyempre po natakot ako, kami," sabi niya. "Kasi kakapirma lang namin ng kontrata tapos ganun yung nangyari."


"Pero binigyan naman kami ng assurance ng management na hindi nila kami pababayaan. Nandiyan yung mga digital shows namin everyday kung saan nahasa din kami sa hosting. At naipakilala namin ang sarili namin sa ibang mga artist na aming nakakapanayam sa program na 'We Rise Together Live.'"


Dagdag pa nito: “Tuloy tuloy din nung time na yun ang mga workshops online para hindi kami matengga at mangalawang. Actually, kung iisipin nga ay anlaking tulong ng mga yon kasi parang na-equip kami sa mga present projects na meron kami ngayon."


Biggest break na maituturing ni Gillian ang "Four Sisters Before The Wedding" kung saan nakasama niya sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Belle Mariano. Si Gillian ay gumanap bilang si Alex na naunang ginampanan ni Angel Locsin. Sa kabila ng pandemya ay itinuloy ng screening ng nasabing pre-quel ng pelikula at ipinalabas ito via Online Cinema. Madami ang nakapuna ng angkin galing ni Gillian sa pagarte sa pelikulang yon kung kaya't lalong umingay ang pangalan niya.


Si Gillian ay muling napanood ng kanyang mga fans sa thriller-drama series na "Kargo" na nanguna noong January 6, 2023 sa Netflix. Aside kay Gillian ay kasama sa proyekto ang veteran actress na si Rio Locsin.


Nasundan ang "Kargo" ng another digital series and movie. Noong kasagsagan ng BL-themed movies and series sa industriya ay napabilang si Gillian sa "Hello Stranger" kung saan gumanap siya bilang girlfriend ng character ni Tony Labrusca.


Mas minahal ng publiko si Gillian sa serye na "2good To Be True" kung saan gumanap siyang si Tox, boyish friend ni Matt Evans at Yves Flores na mga malalapit na kaibigan ng character na si Eloy na ginampanan ni Daniel Padilla. Dito ay mas nabigyang pansin si Gillian dahil sa kakaibang pag ganap niya, at dahil sa nakakakilig na tambalan nila ni Yves kung kaya nabuo ang loveteam na "ReTox."


Say ni Gillian, thankful siya dahil unexpected lamang daw ang chemistry na nakita ng tao at maging ng production sa kanila ni Yves. Sila mismo ay nagulat at natuwa ng masundan ito na ang kwento naman nila ang ipinakita sa mga viewers. Naging malapit din ang dalawa dahil na din sa nagkakasundo sila sa maraming bagay.


Hello, 2024!



Sa ngayon ay handang-handa na si Gillian sa 2024. Pangalawang buwan pa nga lang ng taon ay madami na siyang proyekto, kabilang na ang matagumpay niyang pag ganap sa theater play na "Kumprontasyon" na itinanghal sa PETA Theater noong Enero 18,19, 20 and 21.


Actually, nagsimula si Gillian gumanap sa teatro noong 2023 lang. At dahil sa maganda ang naging pag tanggap ng mga regular viewers at estudyante sa bawat pag tatanghal nila ay agad naman itong nasundan. Kasama sa 3-part play na "Kumprontasyon" ang mga batikang theater actors at maging si Romnick Sarmenta na nakasama ni Gillian sa "2good To Be True."


Sumunod naman ay ang blessing na mapagkatiwalaan at i welcome bilang isa sa mga Beautederm Babies ng CEO and Founder na si Rhea Tan Anicoche.



“Sobrang masaya kasi first endorsement ko ito," aniya. "Nakakatuwa na kahit baguhan at hindi pa ako ganoong kakilala ay nasama at pinag katiwalaan ako ni Mommy Rhei kasi nga mga A-listers ang mga artista sa Beautederm…”


Inilabas na ang ilan sa mga photos sa page mismo ng Beautederm at may ugong din na tila ilalagay sa billboard ang pictures na kinunan sa ginanap na campaign shoot kamakailan.


Kabilang din si Gillian sa mga ipinakilala na makakasama sa Filipino adaptation ng "Whats Wrong with Secretary Kim" na pagbibidahan ni Kim Chiu at Paulo Avelino under Dreamscape at VIU. Madami na ang excited sa series na ito dahil isa itong patok na Korean series na tinangkilik ng mga manunuod, lalo na ng mga supporters ng Korean drama. Muling makasakasama ni Gillian si Yves sa nasabing series.


Kaabang-abang din para sa mga fans ni Gillian ang upcoming slaasher/massacre film na "Talahib." Dito ay makakasama ng aktres sina Kristoff Garcia at Joem Bascon. Natapos na nilang gawin ang pelikulang ito at hinihintay na lamang ang release sa mga sinehan. Ina eye din ng mga producers na mai-submit ito sa mga international film festivals dahil bukod sa mahuhusay ang mga artista ay talagang mabusisi din ang pagkakalikha ng pelikula.


Kwento ni Gillian, natuwa siya noong sinabi na siya ay kinukuha para dito dahil ang director nila na si Alvin Yapan ay nag direct na din ng "Culion" at "Oro;" at madalas na nominado ang mga gawa niya ng iba't-ibang mga award giving bodies tulad ng Gawad Urian, Carlos Palanca Award, Cairo International Film Festival at Chicago International Film Festival.





Comments