![]() |
| Jeric Raval and Charo Cordial |
Naging bukas ang beteranong action star na si Jeric Raval sa kanyang naging pagbisita sa Maddox Jewelry nang makausap siya ni Charo Cordial tungkol sa kanyang pamilya, showbiz career, at mga mahahalagang aral na kanyang natutunan sa paglipas ng panahon.
Habang namimili ng wedding rings para sa kanyang pamangkin, nauwi ang kanilang kuwentuhan sa mas personal na usapan, kabilang ang kanyang 18 anak mula sa pitong magkakaibang ina, ang kanyang anak na si AJ Raval, at ang mga desisyong kanyang ginawa noong kabataan.
Isa sa mga naging usap-usapan ay ang kanyang malaking pamilya. Sa halip na ilihim ito, pabiro pa niyang sinagot ang mga tanong ni Charo habang isa-isang inaalala ang pangalan at edad ng kanyang mga anak.
Ngunit nang tanungin kung ano ang pinakamalaking regret niya sa buhay, naging seryoso ang aktor.
"Ang regret ko sa buhay? Madami akong anak. Hindi ako nagsisisi sa kanila, pero siguro kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko na gagawin 'yun," ani Jeric.
Ipinaliwanag niya na dumating din ang panahong hindi niya agad naibigay ang lahat ng gusto ng kanyang mga anak dahil sa dami nila, bagay na nagsilbing mahalagang aral sa kanya bilang ama.
Napag-usapan din ang kanyang anak na si AJ Raval, na madalas maging laman ng social media at showbiz headlines.
Ayon kay Jeric, bilang magulang ay mas pinipili niyang igalang ang mga personal na desisyon ng kanyang mga anak habang patuloy silang ginagabayan.
"Ang gusto ko lang, masaya ang anak ko. Hindi ako magiging kaaway niya dahil lang sa personal niyang buhay. Bilang tatay, ang trabaho ko ay magbigay ng payo. Kapag kailangan nila ako, nandito lang ako," pahayag niya.
Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.
#JericRaval
#CharoCordial
#MaddoxJewelry

Comments
Post a Comment