CONTENT CREATOR MAM ELMA PINASURI MGA REGALO NI SIR GEYBIN SA MADDOX JEWELRY

 

Mam Charo at Mam Elma

Sa mahigit 3.6 million followers sa kanyang Facebook page pa lamang, maituturing si Mam Elma bilang isa sa mga most followed at successful content creators ngayon.

Si Mam Elma Abesamis Asagra ay unang nakilala bilang partner ng sikat na content creator na si Sir Geybin Capinpin.

Kamakailan, personal na bumisita si Mam Elma sa showroom ng Maddox Jewelry na matatagpuan sa 1011 JP Rizal Street, Concepcion Uno, Marikina City, Metro Manila. Dala niya ang ilan sa mga alahas na iniregalo sa kanya ni Sir Geybin upang ipa-check ang tunay na value ng mga ito sa Maddox Jewelry.

Diretsahan tuloy siyang tinanong ng Founder at President ng Maddox Jewelry na si Ms. Charo Cordial kung may pagdududa ba siya sa mga ibinigay sa kanya ng kanyang boyfriend o partner.

“Opo, kasi siya rin, hindi niya masagot,” natatawang pag-amin ni Mam Elma.ķ

“Sabi naman po legit, pero siyempre, mahirap na po. Sabi legit, pero hindi naman pala. Bili lang po siya nang bili kaya ang hirap,” dagdag pa niya.

Isa pa sa naging purpose ng pagpunta ni Mam Elma — na katulad ni Sir Geybin ay isa ring licensed teacher — ay ang pagbili ng Mother’s Day gift para sa kanyang ina at sa future mother-in-law niyang si Mommy Bet.

Sa kabila ng pagiging licensed teachers nila, ibinahagi ni Mam Elma na bata pa lamang daw si Sir Geybin ay mahilig na talaga ito sa vlogging at idol nito si Cong TV.

Napagkuwentuhan din nina Ms. Charo at Mam Elma ang kanilang lovelife. Ayon kay Mam Elma, pitong taon na raw silang magkarelasyon ngunit mukhang matatagalan pa bago nila maisipan ang pagpapakasal.

“Ngayon pa lang po kasi kami nagsisimulang maabot yung mga achievements at goals namin. Yung bahay po ng parents namin, kakagawa pa lang. Yung mga sarili naming gamit tulad ng sasakyan, ngayon pa lang din po. Kaya parang ine-enjoy pa lang muna namin,” ani niya.

Sa social media naman, may ilang netizens na nagsasabing “materialistic” umano si Mam Elma. Ngunit sinagot niya ito sa mismong vlog ng Maddox Jewelry sa YouTube (@Maddox_Jewelry), Facebook (D’ Maddox Jewelry), at TikTok (maddox.luxury).

Napaiyak naman ni Ms. Charo si Mam Elma nang tanungin siya kung bakit gusto pa rin niyang maging doctor o magkaroon ng PhD sa kursong edukasyon. Ramdam daw kasi niya kung gaano nito kamahal ang kanyang mga magulang.

Ayon kay Mam Elma, “Sa parents ko po kasi, hindi rin sila pumayag noong una na mag-stop ako sa teaching. At least, wala pong regrets.”

Sa huli, hindi lamang ang dalawang mommies ang nabilhan niya ng alahas — maging ang kanyang sarili ay hindi niya nakalimutang regaluhan.

Comments