JEAN GARCIA, NAPAHANGA SA MADDOX! REGALONG AMETHYST, BISTADO NI CHARO CORDIAL—‘DI PALA TOTOO!”

Jean Garcia (kaliwa) at Charo Cordial

 Isang nakakaaliw na tagpo ang naganap sa showroom ng Maddox Jewelry nang bumisita ang premyadong aktres at kilalang kontrabida na si Jean Garcia, at agad ngang napa-wow sa husay at galing ng Founder/President nitong si Ms. Charo Cordial!

Panahon ng pandemic nang tuluyang madiskubre ni Ms. Charo ang kanyang talento sa online selling, isang biyayang nagbukas ng napakaraming oportunidad, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa mga kliyenteng naghahanap ng tunay at abot-kayang alahas. 

Mula sa pagiging isang engineer na walang interes sa jewelry, ngayon ay kinikilala na ang Maddox Jewelry bilang isa sa may “cheapest diamonds” sa bansa—pero siguradong legit!

Hindi naman nagpahuli si Jean Garcia na agad naka-relate sa journey ni Ms. Charo. Kuwento niya, bagama’t mahilig siya sa pagluluto, noong pandemic rin niya nadiskubre ang talento sa pagpipinta at crochet—patunay na may mga regalong nadidiskubre sa gitna ng pagsubok.

May dala ring amethyst si Jean na nais niyang ipa-assess kung ito ba ay tunay. Ayon sa aktres, regalo raw ito sa kanila at kung hindi man legit, okay lang dahil maituturing na rin itong pamana o display. 

Pero winner na winner si Ms. Charo, dahil sa unang tingin pa lang, napansin na niyang tila hindi ito totoo.

Todo aliw naman si Jean sa pag-iikot sa showroom ng Maddox Jewelry na matatagpuan sa AZDM Building, 1011 J.P. Rizal Street, Concepcion Uno, uwMarikina City. 

Kahit may appreciation siya sa alahas, aminado siyang hindi siya madalas pumasok sa mga jewelry stores, kahit pa sa ibang bansa. 

Ang dahilan, dahil sa pagiging “burara” at takot na mawala o mahulog ang mga ito.

Nagulat naman si Ms. Charo nang malaman na bukod sa pagiging mahusay na aktres, singer at dancer din pala si Jean! Ibinahagi nito na dati siyang naging host ng GMA Supershow at nagsimula sa That’s Entertainment. Sa kanyang mga anak na sina Jennica Garcia at Kotaro, ang huli raw ang may hilig sa singing at dancing—tila namana ang talento.

Nang tanungin kung ano ang pinaka-challenging niyang role, "halos lahat." Pero ang mas ikinagulat, ang kanyang pangarap ngayon!


“Siguro ang pangarap ko na lang ngayon, maging international actress. Pwede yung may pelikula ako sa Korea… baka naman kailangan nila ng Pinoy, eh di ako na lang ang kunin pa-experience lang,” aniya.

At bago tuluyang magpaalam, hindi pinalampas ni Jean ang pagkakataong mamili ng mga earrings—para raw sa kanyang mga apo! Paulit-ulit niyang pinuri kung gaano ka-legit at ka-affordable ang mga alahas ng Maddox Jewelry.

Para sa kabuuang kwento at mas nakakatuwang eksena, panoorin ang full interview sa YouTube channel na Maddox_Jewelry at i-follow ang Facebook page na D’ Maddox Jewelry.

Sa huli, isang bagay ang malinaw—pagdating sa alahas, hindi lang kinang ang mahalaga… kundi ang tiwala. At ‘yan, garantisado kay Ms. Charo Cordial at sa Maddox Jewelry! 


Comments