Wilbert Tolentino, 50, nakapagtapos na ng kolehiyo: “It’s never too late to learn!"

Patunay na walang pinipiling edad ang edukasyon ang influencer, businessman, at talent manager na si Wilbert Tolentino.

Sa edad na 50, tuluyan nang natupad ni Tolentino ang isa sa matagal na niyang pangarap—ang makapagtapos ng kolehiyo.

Nakuha niya ang Bachelor of Science in Office Administration degree mula sa Philippine Christian University (PCU), bilang bahagi ng Batch 2026.


Para sa marami, maaaring magtaka kung bakit ngayon lamang niya natapos ang kolehiyo.

Ngunit ayon kay Tolentino, ang kanyang buhay ay puno ng pagsubok mula pa noong kabataan.

“The truth is, I come from a broken family. At 14 years old, I had to stop studying and start working just to survive,” pagbabahagi niya.

Sa murang edad, napasok siya sa iba’t ibang trabaho—mula sa printing press helper hanggang sa cleaner—upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Life was never easy, but I refused to give up,” aniya.

Kalaunan ay naging all-around employee siya sa isang maliit na grocery store sa kanilang komunidad.

Sa edad na 18, naglakas-loob siyang magtayo ng sarili niyang negosyo, kahit wala siyang college diploma at pormal na edukasyon.

“Being a young entrepreneur without a college degree and proper education was very challenging,” ani Tolentino.

“I had limited funds, struggled with operational expenses like payroll and rent, and at the same time I was providing for my months-old daughter.”

Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginawa niya itong inspirasyon upang mas magsikap.

“But those heavy responsibilities did not break me — they fueled me to work even harder,” dagdag pa niya.

Isa sa mga ipinagmamalaki ni Tolentino ay ang kanyang matibay na samahan sa kanyang mga empleyado, na kasama niya sa pagbuo ng kanyang negosyo sa loob ng halos tatlong dekada.

“Through the years, they became more than my staff. They became my business partners, my travel companions, and my family,” ani Tolentino.

“For almost three decades now, we have stood side by side. I never discriminated them. What I eat, they also eat. What I earn, we celebrate together.”

Ayon sa kanya, marami sa kanila ay tulad din niya na walang diploma o titulo, ngunit pinanghawakan nila ang sipag, tiyaga, at determinasyon upang umangat sa buhay.

Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa negosyo at social media, may isang pangarap pa rin na nais matupad si Tolentino—ang makapagsuot ng toga at makatanggap ng diploma.

“Now that I have reached my golden years, I have checked almost everything off my bucket list,” ani Tolentino.

“But one dream remained — to earn my diploma and wear my toga. And now, I’ve finally done it.

“I firmly believe that age is never a hindrance to learning. It is never too late to finish what you started.”

Mas naging makahulugan ang pagtatapos ni Tolentino dahil isa rin siyang single parent sa kanyang 8-year-old son na may special needs.

Para sa kanya, ang diploma ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang halimbawa para sa kanyang anak.

“It means showing my son that perseverance, education, and determination can open doors — no matter what obstacles you face,” aniya.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa Gen Z at Gen Alpha.

“I hope my story reminds you that success is not about how fast you finish, but how determined you are to keep going.

“Be diligent. Stay committed. Chase your dreams relentlessly.”

Nagpasalamat din si Tolentino sa mga taong tumulong sa kanya upang maabot ang milestone na ito.

Kabilang dito si Miss Lilibet Amatong, na kanyang tinawag na “Mommy Teacher” at mentor.

Pinasalamatan din niya sina Teacher Melody Llona, ang kanyang Home Study Instructor, at Professor Bong Escobedo ng PCU Escobedo Extension sa kanilang gabay at pasensya.

Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat kay Mommy Susan Rogacion ng Nazareth Institute of Alfonso para sa patuloy na suporta at pagmamalasakit.

Hindi rin nakalimutan ni Tolentino ang kanyang pamilya—ang kanyang mga kapatid na sina William, Wilson, at Willy, pati na rin ang kanyang mga hipag, pamangkin, at mga mahal sa buhay.

Inialay din niya ang tagumpay na ito sa kanyang 86-anyos na ina at sa kanyang yumaong ama.

“This achievement is dedicated to both of you. Everything I have accomplished is because of the values, strength, and love you instilled in me,” ani Tolentino.

Isang espesyal na mensahe rin ang ibinahagi niya sa kanyang anak na si Willard King Tolentino.

“Being a single father has not always been easy. But I want you to know that with dedication, hard work, and perseverance, everything is possible.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang supporters, followers, subscribers, at online community na patuloy na sumusuporta sa kanya.

“Thank you from the bottom of my heart. This milestone is not the end of my journey. I will continue striving for more,” aniya.

Ibinunyag din ni Tolentino na plano niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makamit ang master’s degree sa hinaharap.


#WilbertTolentimo

#graduationday2026

Comments