Paano nalagpasan ni K ang severe anxiety disorder at depression?

 

Korina Sanchez- Roxas (left) at K Brosas

HANDA na ba kayo sa isang brand new episode ng Korina Interviews this Sunday, June 15, 6pm, on NET25?

Laughter is the best medicine.  Kaya naman matinding halakhakan ang mapapanood mamaya sa Korina Interviews episode na “KKK” —kuwentuhan ng acclaimed broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas kasama ang nag-iisang K Brosas! 

Pero sa likod ng mga matitinding punchlines niya sa entablado at telebisyon, ay ang mga matinding luha at paghihirap na pinag-daanan ni K sa kanyang buhay. 

Paano niya hinarap ang kanyang severe anxiety disorder at depression? Kamusta ang mental health niya ngayon? Paano siya bilang ina?

At sa 25th year niya sa showbiz, ano pa ang kanyang mga pasabog?

Alamin ang makulay na buhay ni K Brosas — umiyak, tumawa, at ma-inspire! Kaya tutok na mamaya sa Korina Interviews!

Comments