TURISMO PARTYLIST AT ARA MINA, DINAGSA NG MGA RIZALEÑO

From left: Ryza Cenon, Ara Mina, Daiana Menezes and Dave Almarinez

Tinatayang humigit-kumulang sa sitenta hanggang isang daang libong katao ang sumalabong sa ginanap na Turismo Partylist motorcade campaign sa bayan ng Taytay, Rizal kamakailan. 

Pinangunahan ito ng aktres at Turismo Partylist Ambassador/Advocate na si Ara Mina. Bukod kay Mina, nakasama din nya sa naturang motorcade ang isa pang aktres na si Ryza Cenon at ang Brazilian TV host/model na si Daiana Menezes. 

Makikita sa video at mga litrato ang saya at ingay ng mga Rizaleño sa pagbisita ng grupo. 

Pinangungunahan ni dating Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at ng magaling at masipag na businessman na si Dave Almarinez ang nasabing partylist bilang 109 sa inyong balota. 

Mula naman sa isang national survey na inilabas noong nakaraang nuwan, pasok ang Turismo Partylist sa Top 24 "Voice Of The People" sa gaganaping May 2025 Midterm Elections. 

Madaling nakilala ang Turismo Partylist dahil na rin sa magandang plataporma nito para sa mas maunlad na turismo ng Pilipinas. Komersyo, trabaho at asenso ng bawat Pilipino at higit sa lahat ay ang turismo ng bansa ang nais paigtingin ng team Turismo. 

Samantala, abangan nyo pa ang mas marami at malalaking surprise celebrities, bands at influencers na bibisita sa inyong mga lugar sa mga susunod na araw.

#TURISMOPartylist

#109

#CountMeIn

#TULFO

Comments