Korina: ‘Nakaka-shock! Alamin kung ano ang weakness ni PNP Chief Marbil!'





KALIWA’T kanang issues ang hinaharap niya araw araw — mula sa droga, cybercrimes, at lahat ng mga problema ng mga kapulisan sa bansa plus singer din nga ba siya on the side?

 kauna-unahang pagkakataon, uupo ang PNP Chief na si Rommel Franciso Marbil sa isang exclusive interview kasama si Korina Sanchez-Roxas this Sunday, July 21, on Korina Interviews! 



bhUna! Ipapasilip ni General Marbil ang tahanan niya at ng kanyang pamilya, na kung tawagin ay White House ng Camp Crame!First time ito kaya naman tinodo ni Korina ang house tour na talagang kagigiliwan ng lahat!


At para mas extra special ang house raid, siyempre non-stop ang chikahan ng beteranang broadcast-journalist at ng PNP Chief! 


Kamusta ang naging childhood ni General Marbil? 


Paano niya sinimulan ang journey niya sa kanyang pangarap na maging pulis? Naku sobrang inspiring ng kuwento na ito!


Anu-ano ang mga na-survive ni General sa kanyang trabaho? 


At how true na di na mabilang ang mga instances na nalagay sa alanganin ang buhay niya sa ngalan ng serbisyo? Ikukuwento niya lahat — scary pero exciting!


At dahil confirmed na confirmed na matikas at matapang siya, may exclusive ang Korina Interviews — ipapakita ni General ang kanyang love life at abangan kung magsasample siya ng live harana, na siya nga bang dahilan kung bakit niya napa-oo ang kanyang misis?


At para mas mainit ang chikahan, ibinulgar ng matapang, kinakatakutan, at nirerespetong General ang kanyang major major weakness — naku alamin kung ano ito! Nakakaloka! 


Lahat ng ito — from usapang law and order hanggang sa pamilya at love life — mapapanood this Sunday on Korina Interviews, 6pm on NET25, right after the romantic comedy series, Goodwill!


Comments