'Piliin mo ang Pilipinas' challenge ni Wilbert Tolentino, patok din at nakikipagsabayan pa!

The many faces of Wilbert Tolentino sa kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' challenge

Gaya ng ipinangako ng sikat na content creator at influencer na si Wilbert Tolentino ay inilabas na niya ang kanyang version ng "Piliin mo ang Pilipinas" challenge na ngayon ay isa sa mga most viewed video sa socmed.

Ito ay matapos mag-viral ang version ni Wilbert ng Asoka Makeup challenge na as of present time ay may 13.2M views sa Tiktok, 4.6M sa Fanpage at may 1.2M sa IG.
Lumevel si KaFreshness Wilbert sa version ni Vice Ganda ng "Piliin mo ang Pilipinas" na may pagka-social relevant ang dating dahil flinex naman ng una ang iba't-ibang kultura at tradisyonal na pananamit ng iba't-ibang rehiyon sa Pilipinas, mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Very obyus na ginastusan ng malaki ang iba't-ibang national costume na ginamit ni Wilbert na gawa ng magagaling na gashion designers gaya nina Kani Francisco at Patrick Isorena.
For the record, nang in-upload ang video ni KaFreshness ng version niya ng "Piliin mo ang Pilipinas" sa kanyang FB fanpage na @WilbertTolentino ay nakakuha agad ito ng 6.4M sa loob ng isang araw. Naka-11.7M views naman ito after 3 days.
Informative and entertaining ang version ni KaFreshness ng Piliin mo ang Pilipinas challenge bukod pa sa nakaka-proud maging Pinoy kapag pinanood ito sa kabuuan.
FYI, 10 hours ang ginugol ni Wilbert para ma-perfect ang kanyang version ng Piliin mo ang Pilipinas challenge. Way to go, Sir Wilbert!'






Comments