Papa P — Super G — Good Will, nabaliw!

Piolo Pascual

IT’S confirmed — Papa P, as in Papa Piolo Pascual,  is joining the Good Will barkada on the series’ season finale this Sunday, January 21 mamayang 4 pm!

Nakakaloka! Nakakakilig! Ang sakit sa bangs sa kabonggahan! 

Spoiler alert: guguluhin nga ba ni Piolo ang buong Good Will fam bam? 

But first things first — Pasasabugin nga ba talaga ni  Engineer Tony (Alex Calleja) ang Goodwill resort? 

May nakatagong kayamanan o hidden treasure ba talaga sa ilalim ng resort? 

Magkakaparawaran na ba sina Will Rod (Joey Marquez) at ang nadisku re nating anak pala niya na si Lloyd (David Chua)?

At kamusta naman sina Lloyd at Sarah (Devon Seron)? Resume ba sila sa kanilang pagmamahalan?  O sa break-up ba ang ending nila? 

And what is Papa P’s role sa lahat ng ito? 

“Sobrang saya sa set ng Good Will. Puro sila kalokohan at tawanan,” says Piolo. “I’m happy to guest on this show. Ang gaan gaan ng vibe nila. I hope magustuhan ng mga supporters ng series ang part ko sa season finale nila.”

Naku! Tutok na at alamin ngayong Sunday on the season finale of Good Will! NET 25. 4 pm. Bago mag Korina Interviews with Diamond Star Maricel Soriano.💎

###

Comments