BG Productions at BG Showbiz Plus magazine ni Baby Go, aarangkada muli in 2024


Producer-publisher Baby Go


o

"May mga naka-lineup na kaming projects. Nakapag-meeting na din kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year."

Eto ang pahayag ni producer-publisher Baby Go sa isang bonggang pre-New Year party na kanyang inihandog sa mga kaibigan sa business sector at entertainment media.

Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita ni Baby, hindi lang sa pagkain kundi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press.
Pero ang mas lalong ikinatuwa nga ng lahat ay ang pahayag ni Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions Inc. Last time ay nakagawa ang produksyo ng 17 pelikula na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa atin kundi sa iba't ibang bansa.

Ibinalita din ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang "One Dinner A Week" na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul, at Barbara Milano, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan. Muli rin daw bubuksan ni Baby ang kanyang BG Showbiz Plus magazine. "Naniniwala pa din ako na may market pa din sa print," aniya. Present sa party ang mga kaibigan ni Baby na sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representatives ng Masagana Partylistt, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista. In full support din ang mga anak, manugang at apo ni Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go. Naghandog din ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer ng gabing yon na si Topacio. "This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable," sabi pa ni Baby. Kahit na matagumpay na sa kanyang mga negosyo si Baby, malalim ang pagmamahal niya sa showbiz industry. Kaya naman tunay na inspirasyon si Baby sa kanyang larangan.


Comments