Dingdong, Marian give opinion to Korina in KathNiel breakup?

Marian Rivera and Dingdong Dantes with Korina Sanchez

IT’S a rare media event---an exclusive interview that no one thought would ever happen! 

Kapuso superstars Marian Rivera-Dantes and Dingdong Dantes sit down with award-winning broadcast journalist Korina Sanchez Roxas for the very first time in an exclusive one-on-one interview packed with juicy stories and fabulous revelations.

Mula MariMar nuong 2007 hanggang ngayong 2023 sa MMFF entry nilang "Rewind," alamin kung paano nag-simula ang pagiibigan ng certified showbiz power couple na DongYan!

In love na in love sila ngayon with two beautiful kids pero hindi pala sila love at first sight dahil di nila bet ang isa’t-isa nung una.

“Magkaaway kami nun,” sabi ni Dong na pinabulaanan naman ni Marian. 


“Masyado lang ako naka-focus nuon sa trabaho.” sabi ng Kapuso Primetime Queen. “Di ko naman alam na natatatarayan o nasusupladahan ko na pala si Dingdong.”

Pero di daw sila magkakatuluyan kung maaga silang naging love team dahil ulti mong load sa telepono pinag-aawayan nila dati.

Dalawang beses din pumalpak si Dong sa proposal niya kay Yan at sobrang grateful ang mag-asawa at tuloy tuloy ang success ng mga karera nila. 

So ano ba talaga ang secret ng lasting marriage ng mga showbiz couples?

At nagbigay nga ba sila talaga ng opinion tungkol sa hot na hot issue na hiwalayang KathNiel? 

Tutukan at panoorin ang espesyal na interview na ito sa official YouTube channel no Koring!

Catch Korina’s DongYan exclusive — uncut and uncensored on Rated Korina’s official YouTube channel and join in the fun at https://youtu.be/QD_jrtQJJj8?si=gxp3Ek5_hxoQJV7B.


Comments