Ano nga ba ang ideal date ni David Licauco?


 Sa digital mini-talk show ng GMA Pinoy TV na “Break Seven,” nakapanayam ng host na si Tonie Pua ang Kapuso heartthrob na si David Licauco na gumaganap na Fidel sa “Maria Clara at Ibarra.” 

Bukod sa kanyang good looks, isa rin sa hinahangaan ng mga tao kay David ang kanyang magandang pangangatawan. Sa kabila ng kanyang busy schedule, paano niya ito napapanatili?

 

“I go to the gym every day. So, sa morning, the first thing I do talaga is to work out. Kasi for me, working out starts up my day. When I’m working out, I feel motivated, my mind is clear, and siyempre fit.”

 

Pero paliwanag ni David, may mas mahalaga pa raw siyang dahilan kaya siya mahilig mag-work out.

 

“I’m after the performance. Mas gusto ko mas malakas ‘yung katawan ko and mas functional ako for my job. Kasi ‘yung pampaganda ng katawan, ‘yun ‘yung motivation ko before, but as you age, mas imporante ‘yung functionality ng katawan natin.”

 

Sa kabila ng kasikatan ni David bilang isang aktor, alam n‘yo bang may iba pa siyang ultimate goal?

 

“Basketball player talaga ako, ‘yun talaga ‘yung dream ko since I was 10 years old. Even until now, I’m still dreaming one day to play potentially sa professional [basketball industry].”

 

Itinanong din kay David kung ano ang maituturing niyang ideal date.

“I love going to cold places, but not too cold. Probably, Tagaytay. At saka mahilig din ako sa mga out of the box trips, kunwari Binondo. Kasi parang feeling ko when I am in Binondo, I feel like I’m home.”

 

Comments