|
Rufa Gutierrez |
Sa pagbabalik ng dating First Family sa Malacañang para muling pamunuan ang Pilipinas, alamin din natin ang bersiyon ng kwento ng mga Marcos tungkol sa isang hindi malilimutang bahagi ng kasaysayan. Mapapanood na ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan simula ngayong August 3, nationwide.
|
Cesar Montano |
Produced by VIVA Films at mula sa brilliant mind ng pinakapinag-uusapang direktor ngayon na si Darryl Yap, ang MAID IN MALACAÑANG ay isang Family Drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution. Tuklasin ang bersiyon ng world event na ito base sa eyewitness account ng isang “reliable source.”
|
Cristine Reyes |
Panahon na para ang mga Marcos naman ang magkwento ng totoong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa palasyo, kwentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat. May ipapakilala ring mga karakter at ibabahaging storyline ang pelikula na magpapakita kung paanong katulad din ng ibang pamilyang Pilipino, na may close family ties, ang pamilya Marcos.
|
Elizabeth Oropesa |
Trending na ang pelikula bago pa man ito maging officially greenlit for production. Nakatanggap na rin ito ng mainit na pagtanggap sa social media matapos ibahagi ng direktor ang ideya sa kainitan ng 2022 National Election.
|
Kyle Velino at Ella Cruz |
Ang kwento ng MAID IN MALACAÑANG ay walang gustong baguhin sa kasaysayan, ibabahagi lang nito ang buong katotohanan.
|
Karla Estrada |
Ang pelikula ay mula sa direksyon at panulat ng malikhaing si Darryl Yap, ang direktor sa likod ng Vincentiments at ibang Vivamax Originals tulad ng Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Revirginized, Gluta at Ang Babaeng Walang Pakiramdam at ang blockbuster hit na Jowable.
Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Bida rin ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak- sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo. |
Diego Loyzaga |
Mula sa Viva Films, mas kilalanin pa ang world-famous First Family mula sa kwento ng taong naging bahagi ng kanilang pribadong pamumuhay. Mapapanood na ang MAID IN MALACAÑANG sa lahat ng sinehan ngayong August 3, 2022. |
Beverly Salviejo |
Ang MAID IN MALACAÑANG ay mapapanood din worldwide, bisitahin na at I-follow ang social media accounts ng Viva Films para makakuha ng latest updates tungkol sa international screenings ng MAID IN MALACAÑANG.
Comments
Post a Comment