Darren Espanto ang MILLENIAL Face ng BEAUTEDERM.


Darren Espanto ang MILLENIAL Face ng BEAUTEDERM


MAINGAY na binubuksan ng Beautéderm Corporation ang summer season sa pormal na pagsalubong nito kay Darren Espanto sa lumlaki nitong pamilya bilang isa sa opisyal na top celebrity brand ambassadors nito.

Sa nakaraang dekada at patuloy pa, naging household name ang Beautéderm na pinagkakatiwalaan ng di mabilang at tapat na consumers di lamang dito sa Pilipinas ngunit sa iba’t-ibang panig ng mundo na din.


Nilikha at dinevelop ang Beautéderm ng President at CEO nito na si Rhea Anicoche-Tan gamit ang kanyang prinsipyo na nagsisimula ang kagandahan sa pamamagitan ng palaga sa sarili at ng sa ganun ay magiging mas malusog ang isang tao at magpapamalas ito ng kagandahan di lamang sa panlabas ngunit sa panloob na rin.

Ms Rhei Anicoche-Tan and Darren Espanto

Bilang isang respetadong lider ng industriya ngayon, mahalaga para sa Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga natural na sangkap na pinagsamasama upang makapagbigay ng pinaka-mabilis at pinaka-epektibong resulta na madaling i-sustain. Isang consistent Superbrands awardee, ipinagmamalaki ng brand ang isang daang pabolosong mga produkto, kasama na dito ang flagship brands nito gaya ng Beautederm Skin Set para sa mukha at katawan; Beautederm Purifie Facial Wash; ang Beautéderm Home line na kinabibilangan ng soy candles, room at linen sprays, at air diffusers; ang baong line nito na Spruce & Dash men’s line at marami pang iba – lahat ay pawang top-selling products.

Darren Impromptu sample of his new single SASAGIPIN KITA
(DURING PRESSCON OF BEAUTEDERM)

Ngayon, may pisikal na stores ang Beautederm sa buong bansa at isa sa Singapore at nalagpasan na ntio ang 100 physical-store mark na sinimulan nuong 2019 at naghahanda na ang kumpanya sa 200 physical stores ngayong 2020.

Ngayong opisyal na siyang brand ambassador, si Darren Espanto ang kakatawan sa buong Beautéderm Corporation sapagkat pareho nilang sinisimbolo ang pagkauhaw sa excellence at ang patuloy na pagpupursige na makapagbigay ng mtaaas na kalidad ng trabaho na karapat-dapat sa publiko.

President and CEO of BEAUTEDERM 
Ms Rhei Anicoche-Tan & Darren Espanto

Sa murang edad na 18, sumikat si Darren matapos siyang sumali sa unang season ng The Voice Kids Philippines sa ABS-CBN sa edad na 12. Bilang isa sa mga main artists na mapapanood lingo linggo sa ASAP Natin ‘To sa Dos, isa si Darren sa pinaka-maiinit na young superstars ng bansa ngayon sa kanyang chart-topping singles, sold-out concerts, numerous awards, at multi-platinum studio albums.


President and CEO of BEAUTEDERM 
Ms Rhei Anicoche-Tan & Darren Espanto

“I am so honored now that I am finally part of the Beautéderm family,” sabi ng isang masayang Darren. “Very grateful po ako sa tiwala na binigay sa akin ni Mommy Rhea. I love the products of Beautéderm and this is a brand that I really use my personal hygiene and grooming. Ngayon masasabi ko na proud Beautéderm brand ambassador ako.”
“I am equally honored to welcome Darren to the Beautéderm family,” sabi naman ni Rhea. “Naniniwala ako na Darren will be very instrumental for the brand to reach a younger market. Isa si Darren sa mga biggest young stars natin ngayon pero he remains very humble and he is one of the most pleasant and nicest artists that we ever worked with. We at Beautéderm are overjoyed to have him in on-board.”
Tunay ngang kapana-panabik ang edaventure ng Beautéderm at ni Darren at tiyak na gagawa sila ng dazzling milestones na hindi pa nakikita o nadadama ng lahat.


Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Beautéderm at exciting updates sa brand at kay Darren Espanto, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mg-subscribe sa Beautéderm sa YouTube.

Comments