Usapang tagumpay on 'Korina Interviews'

Korina Sanchez-Roxas (left) and Anna Magkawas


USAPANG success ang hot topic ng latest episode ng Korina Interviews this Sunday, September 15!

Women empowerment ang isa sa mga paboritong paksa ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas. 

Kaya naman apat na matagumbay na mga babae, na todo ang pag-abante sa pagnenegosyo, ang magbabahagi ng apat na iba't-ibang kuwento na nauwi sa tagumpay!

Paano at bakit bag ang dahilan ng tagumpay ng milyonaryang si Anna Magkawas?

Ano naman ang nag-udyok kay Carla Sia upang pasukin ang mundo ng pagnenegosyo? 

At anu-ano naman ang mga binenta ng Miss Eco Teen 2023 na si Francine Reyes bago nito ma-achieve ang korona? 

From empleyado to boss! Paano naging super big time si Shantal De Mesa?

Confirmed na confirmed! Hindi biro ang mga pinag-daanan nila bago sila nagtagumpay.

May ilang beses na silang na scam; merong muntik malugi; at may naglayas sa probinsya para makipagsapalaran sa Maynila.

Mala-telersye ang hugot ng mga successful ladies na ito at very inspiring ang kanilang mga kuwento! 

Kaya tutok na sa usapang success this Sunday on Korina Interviews, 6pm on NET25.


Comments