Kakai, determindong sirain si Shaina sa explosive season finale ng Goodwill!

Eksena sa 'Goodwill'

TODO ang exciting thrills, fun, at adventures ng buong Goodwill barkada sa much awaited finale ng 4th season nito this Sunday, August 25, on NET25!

Todo ang pagka-beast mode nitong si Kakai Bautista as Dani at talagang determinado itong paghigantigan si Shaina Magdayao as Daphne!

Talagang gusto nitong si Kakai na mag-life swap sila ni Shaina! Naku naman masisisi ba siya? 

May eksenang kidnapan at siyempre ang Prince Charming ay si David Chua. Pero wait, maliligtas nga ba niya si Shaina sa mga kamay ni Kakai?


Sino ang magwawagi si Kakai o si Shaina? 

At may bagong misteryong papasok sa buhay ng Goodwill tropa na talagang ikagigimbal nila — bongga ba ito o parusa?



Naku! Parang di pa tapos at lalong umiinit ang kuwento ng Goodwill barakada! 

Tutukan ang explosive season finale ng Goodwill this Sunday, 5pm, bago mag-Korina Interviews only on NET 25.


Comments