It’s raining men on 'Korina Interviews'

 

 

UULAN ng nag-guguwapuhang mga kalalakihan this weekend with Korina Sanchez-Roxas on Korina Interviews! 

This Sunday ay mga guys naman ang rarampa sa set ng show bilang mga lalaking world title holders.

Kilalanin ang 4 na hari! 

Paano sinasagot ni Mr. Pilipinas  International Ambassador 2024 na si Justin Ong ang kaliwa’t-kanang pasaring ng bayad na pag-ibig o mga indecent proposals sa kanya? 

Paano na-discover si Kenneth Cabungcal na ngayon ay Man Of The World 2024 1st runner-up na?

Alamin kung bakit nilalait at “pangit” ang tawag  dati kay Marvin Diamante na ngayon ay Mr. International Philippines 2024 na! 

Ikukuwento naman ni RJ De Vera, Man Hot Star International 2023 ang tungkol sa matinding hagupit sa buhay niya ng sobrang kahirapan na kanyang pinag-daanan! 

Bongga ang mga kuwento sa likod ng kanilang taginting at tagumpay on stage! 

Rarampa na sila sa Korina Interviews, exclusive this Sunday, August 25, 6pm pagkatapos ng romantic-comedy series na Goodwill on NET25. 


Comments